Kinumpirma ng Health Ministry ng Japan ang ika-walong kaso ng impeksyon na may bagong strain ng coronavirus sa bansa.
Ayon sa Ministry, isang residente sa Tokyo na nasa edad 50 ay nag-positibo sa bagong variant noong Linggo.
Sinabi pa ng mga opisyal na ang babae ay bumalik sa Japan mula sa Britain noong Disyembre 13 at nag-negatibo sa test ng ginawa sa airport quarantine. Gayunpaman, kalaunan ay nilagnat ito at pinasok sa isang medical facility sa Tokyo noong nakaraang Martes.
Ayon pa sa Ministry na mula nang makarating sa Japan, ang babae ay nagself-quarantine ito sa isang accommodation facility nang hindi gumagamit ng pampublikong transportasyon at wala pang close contact sa sinuman.
Ipinahayag ng Ministry noong Biyernes na limang mga manlalakbay mula sa Britain ang nag-positibo sa bagong strain habang nasa airport quarantine. Ang variant ay pinaniniwalaang mas nakakahawa kaysa sa orihinal.
Dagdag pa ng mga opisyal noong Sabado na isang residente sa Tokyo na kamakailan lamang bumalik mula sa Britain at isang miyembro ng kanyang pamilya ay kumpirmadong nahawahan din ng sinasabing strain.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation