Ang dating ministro ng transportasyon ng Japan na si Hata Yuichiro, na pumanaw noong Linggo sa edad na 53, ay naging unang nanunungkulan na mambabatas sa bansa na namatay sa coronavirus.
Nagkaroon ng lagnat si Hata noong Huwebes at nakatakdang mag-PCR test noong Linggo. Biglang lumala ang kanyang kalagayan habang papunta sa ospital, kung saan siya ay tuluyang binawian ng buhay.
Nakumpirma ng posthumous test na ang dating mambabatas ay nahawaan at nagpositibo sa coronavirus.
Nanalo si Hata sa kanyang unang halalan sa Mataas na Kapulungan noong 1999 matapos na maglingkod bilang kalihim ng kanyang ama, ang yumaong punong ministro na si Hata Tsutomu.
Siya ay nagsilbi bilang Ministro ng Transportasyon noong 2012, sa isang gobyerno na nabuo noon ng Demokratikong Partido ng Japan.
Noong Setyembre ng taong ito, siya ay naging Secretary General ng Mataas na Kapulungan ng pangunahing oposisyon na Constitutional Democratic Party.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation