Sinimulan na ng mga Japanese Institutions ang clinical trial ng gamot laban sa COVID-19 naglalaman ng mga antibodies na nakolekta mula sa mga taong gumaling sa sakit,bilang pakikibahagi sa international program.
Ang programa ay pinondohan ng US National Institute of Allergy and Infectious Diseases, kasama ang National Center for Global Health and Medicine ng Japan at Fujita Health University ay magkakasamang inilunsad ang nasabing clinical trial.
Ipinahayag ng Japanese National Center na ang gamot, na tinawag na “Hyperimmune Intravenous Immunoglobulin” ay ibinibiigay sa 10 mga pasyente na kinakailangang maospital.
Imo-monitor ang kundisyon ng mga nasabing pasyente sa loob ng isang buwan. At masusuri lamang ang pagiging epektibo ng nasabing gamot batay sa mga datos mula sa iba pang kalahok na bansa.
Inaasahan ng Center na sana ang treatment gamit ang gamot ay maging epektibo at ligtas,dahil iilan lamang ang pamamaraan ng pag-gamot laban sa COVID-19 ang mayroon sa kasalukuyan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation