Mas mabilis na full-fledged antigen testing sa Covid-19 sinimulan na sa Narita Airport

Ang mga opisyal ng Quarantine sa Narita Airport, malapit sa Tokyo, ay nagtayo ng mga antigen testing na may mabilis na paglabas ng resulta na kukunin mula sa laway ng mga magte-test na mga pasahero bilang isang hakbang upang labanan ang coronavirus. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga opisyal ng Quarantine sa Narita Airport, malapit sa Tokyo, ay nagtayo ng mga antigen testing na may mabilis na paglabas ng resulta na kukunin mula sa laway ng mga magte-test na mga pasahero bilang isang hakbang upang labanan ang coronavirus.

Ang mga opisyal ay nagsimulang magsagawa ng mga testing na kinuha mula sa laway ng  pasahero sa Terminal 1 sa paliparan noong Lunes. Isinagawa na din nila ang antigen test sa Terminal 2.

Ang nakarating na mga pasahero ay kanya kanyang naglalagay ng kanilang sample ng laway sa isang lalagyan at ibinibigay ito sa mga opisyal.

Ang istasyon ng quarantine ay nagsasagawa ng mga pagsusuri sa nostril-swabbing para sa mga bumalik sa Japan. Ang nasabing mga pagsusuri sa PCR ay tumagal ng hindi bababa sa anim na oras bago makuha ang mga resulta.

Ngunit ang mga testing na nakukuha sa sample ng laway ay tumagal ng halos dalawang oras upang maibalik ang mga resulta. Ito ay magpapahintulot sa mga pasahero na maghintay para sa mga resulta habang mananatili sa paliparan, at payagang makauwi ng kanilang bahay kung sila ay nag negatibo.

Ang antigen test ay inaasahan din na mabawasan ang panganib ng impeksyon para sa mga opisyal ng quarantine, dahil hindi nila kailangang mangolekta ng mga sample mula sa nostril swabs.

Sinabi ng mga opisyal na umaasa ang bagong screening ay gawing mas madali ang mga bagay para sa mga pasahero.

NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund