MIE – Isang bangkay ng babae ay natagpuan sa tabi ng isang ilog sa Lungsod ng Kuwana noong nakaraang linggo ay namatay dahil sa pagkakasakal sinabi ng pulisya, ulat ng Nippon News Network (Hulyo 31).
Umaga ng Hulyo 30, isang lalaki ang bumibisita sa baybayin ng Kiso River ang nakatagpo babaeng nakahandusay. Kalaunan ay nakumpirmang may patay sa nasabing lugar.
Nang sumunod na araw, ayon sa report ng pulisya na ang sanhi ng kamatayan ay papapa-hirap at pananakal. Ang biktima ay pinaniniwalaang namatay isang araw bago ang pagkakatuklas.
Ang babae ay may taas nang mga 160 sentimetro. Siya ay pinaniniwalaan na nasa kanyang 40s.
Ang katawan ay nakasuot ng isang itim na shirt at pantalon. Walang mga personal na item ang natagpuan sa pinangyarihan, dagdag ng mga imbistigador.
Kasalukuyang iniimbistigahan ang pagkakakilanlan ng babae. Ang kaso ay pinagaaralan kung murder o abandoning a corpse.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation