Papayagan na ng pamahalaan ng Japan ang muling re-entry ng ilang mga foreign nationals na may residence status simula sa Agosto 5.
Kasalukuyang hindi pinapapasak ng Japan ang mga dayuhan mula sa 146 na mga bansa at rehiyon bilang bahagi ng mga hakbang sa anti-coronavirus. Ang ilang mga dayuhang residente ay pinagbawalan din munang makabalik sa Japan kapag umalis sila sa bansa, maliban kung may mga espesyal na pangyayari.
Ngunit sinabi ng gobyerno, ngayon na bibigyan nito ang muling papapasok sa mga dayuhan na may ilang mga tipo ng residence status ay may ilang mga kondisyon na dapat sundin tulad ng sumailalim sa PCR testing sa coronavirus.
Kasama na dito ang mga international students, technical trainees at mga empleyado ng kumpanya na nakabase sa Japan.
Sumang-ayon na ang Japan sa Vietnam at Thailand upang payagan ang mga negosyante na magpatuloy sa mga pagbisita sa pagitan ng mga bansa at sinimulan na tanggapin ang mga aplikasyon ng long stay visa.
NHK World
Join the Conversation