Mga mannequin ginamit ng isang restaurant para sa social distancing

Dahil sa pandemic maraming mga restaurant ang halos walang laman kahit pinayagan ng magbukas muli, ngunit ang isang restaurant sa Tokyo ay sa unang tingin mukhang puno ng customer dahil pinaupo ang mga mannequin sa ibang mga upuan upang ma promote ang social distancing.  #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga mannequin ginamit ng isang restaurant para sa social distancing

TOKYO

Dahil sa pandemic maraming mga restaurant ang halos walang laman kahit pinayagan ng magbukas muli, ngunit ang isang restaurant sa Tokyo ay sa unang tingin mukhang puno ng customer dahil pinaupo ang mga mannequin sa ibang mga upuan upang ma promote ang social distancing.

Ito ay upang mahikayat ang mga tao na huwag magtabi tabi at the same time ay hindi magmukhang malungkot ang lugar dahil sa konti ng tao.

Ang Chinese restaurant ay pagmamay ari ni Masato Takemine, ayon sa kanya nung una ay tinanggal nila ang mga ibang mesa at upuan, ngunit naging mukhang matamlay o boring ang kanilang lugar, kaya’t naisipan nito na maglagay ng mga mannequin upang magmukhang lively ang lugar at the same time ay maging safe ang kanyang mga customer.

Natatawa at nagugulat ang mga customer kapag papasok, ang iba ay medyo nailang at ang mga suki naman ay nagsabi na kailangan nilang masanay sa mga mannequin kasi sila ang magiging eating buddy nila habang patuloy pa din ang pag iingat dahil sa virus.

Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund