AICHI – Inaresto ng Aichi Prefectural Police ang isang 27-taong-gulang na lalaki matapos niyang inamin na sinasadya niyang ibangga gamit ang kanyang sasakyan sa mga natatabas ng damo sa Toyohashi City nitong Lunes, na pumatay sa isang manggagawa at nasugatan ang dalawa pa, ulat ng TV Asahi (Hulyo 27 ).
Ayon sa pulisya, ang tatlong lalaking biktima ay gumagamit ng dalawang trak upang putulin ang mga damo sa gilid ng isang kalsada.
Dakong alas-2:30 ng hapon, si Kei Aono, walang trabaho, na umano’y pinamaneho ang kanyang sasakyan sa 46-taong-gulang na si Natsuno, na nagdidirekta ng trapiko.Kalaunang nakumpirma namatay sa ospital si Natsuno.
Bumagga din ang sasakyan ni Aono sa isa sa mga trak bago ito tumama sa iba pang dalawang manggagawa. Nahinto ang sasakyan ng tumama ito sa rail guard ng tren.
Ang mga biktima ay tumanggap ng atensiyong medikal at ngayon ay malayo na sa panganib , ayon sa kapulisan.
Ang mga opisyal mula sa Toyohashi Police Station na dumating sa pinangyarihan ay kinasuhan si Aono ng attempted murder. “Nais kong maging Diyos,” sabi ni Aono. “Gusto kong pumatay. Kahit sino pwede. ”
Sa pagsasakatuparan ng krimen, ibinaling ni Aono ang sasakyan sa kabilang linya at itinawid ang sasakyan sa gitnang median ng kalsada bago sumalpok sa mga trabahador.
Matapos ang insidente, tinangka ng suspek na tumakas sa eksena sa pamamagitan ng pagmamaneho gamit ang pangalawang trak. Gayunman, nahuli siya ng mga opisyal sa pinangyarihan.
Pinagaaral ng pulisya kung mababago ang ikakaso laban kay Aono na indiscriminate murder.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation