Sinabi ng Japan Land Ministry na ang Mogami River sa Prepektura ng Yamagata ay umapaw nitong Martes dahil sa naitala na pag-ulan sa hilagang-silangan na bansa. Nanawagan ang ministeryo sa mga residente na maging alerto.
Sinabi ng mga weather officials na higit sa 200 milimetro ng malakas na pag-ulan na naitala sa loob ng 24-oras nitong Martes ng gabi sa ilang bahagi ng Prepektura ng Yamagata sa bandang timog ng Rehiyon ng Tohoku.
Hindi bababa sa 15 mga ilog sa prepektura ang umapaw.
Sa mga rehiyon ng Tohoku at Hokuriku, halos 100 milimetro ang inaasahang bumuhos sa loob ng 24-oras na panahon hanggang Miyerkules ng gabi.
Sa Prefektur ng Niigata, ang gilid ng isang kalsada ay gumuho na naging sanhi ng pagbagsak ng mga istraktura.
Hinihimok ng mga weather officials ang mga tao na maging alerto sa mga pagguho ng lupa at umaapaw na mga ilog lalo na sa Prepektura ng Yamagata.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation