Ang gobyerno ng Japan , US Forces ipapatupad ang mga hakbang sa laban sa virus

Napagkasunduan nila ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng dalawang linggong quarantine at mga test.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng gobyerno ng Japan , US Forces ipapatupad ang mga hakbang sa laban sa virus

Ang gobyerno ng Japan at ang puwersa ng Estados Unidos sa Japan ay sumang-ayon na mahigpit na ipatupad ang mga hakbang upang hadlangan ang pagkalat ng coronavirus, kasunod ng pagkalat ng impeksyon sa militar ng Estados Unidos na nakaistayson sa Japan.

Ang mga miyembro ng militar ng Estados Unidos ay malayang nakakapasok sa Japan dahil sa Bilateral Status of Forces Agreement.

Ngunit sinabi ng mga puwersa ng US na ipinag-uutos nila ang dalawang linggong quarantine sa mga military personnel na dumadating sa Japan.

Sinabi din nila na nagsimula noong nakaraang Biyernes ang mga PCR test sa mga tauhan bago matapos ang kanilang quaratine period.

Ang pamahalaang ng Japan at puwersa ng Estados Unidos ay magkasamang inihayag noong Miyerkules na ang panig ng US ay makikipagtulungan nang mas malapit sa mga lokal na pamahalaan at mga awtoridad sa kalusugan kung saan matatagpuan ang mga base.

Napagkasunduan nila ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng dalawang linggong quarantine at mga test, at ang panig ng US ay magpapatuloy na ihahayag ang mga bagong kaso sa bawat base tulad ng kanilang nagawa simula pa noong nakaraang buwan.

Ang dibisyon ng Foreign Ministry ng Japan sa Status of Forces Agreement ay nagsasabing mawawala ang kawalang-tiwala ng publiko tungkol sa mga base ng US sa Japan sa pamamagitan ng lubusang paglalahad ng impormasyon.

Source: NHK World Japan

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund