Child abuse cases na inimbestigahan ng pulis sa 2019 umabot sa 1,957 cases

Ang pulisya ng Japan ay naglunsad ng mga pagsisiyasat sa isang record na 1,957 na kaso ng pang-aabuso sa mga bata noong 2019, ito ay 41.8 porsyento na mas malaki keysa sa nakaraang taon, ipinakita ng isang opisyal noong Huwebes. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspChild abuse cases na inimbestigahan ng pulis sa 2019 umabot sa 1,957 cases

TOKYO

Ang pulisya ng Japan ay naglunsad ng mga pagsisiyasat sa isang record na 1,957 na kaso ng pang-aabuso sa mga bata noong 2019, ito ay 41.8 porsyento na mas malaki keysa sa nakaraang taon, ipinakita ng isang opisyal noong Huwebes.

Ang pinaghihinalaang pang-aabuso sa isang record na 97,842 na mga bata na nasa ilalim ng 18 ay iniulat sa mga sentro ng kapakanan ng mga bata, na umabot sa 21.9 porsyento mula sa 2018 at mas lumalaki it sa nakaraang limang taon, sinabi ng National Police Agency.

Sa 1,957 na mga kaso na sinisiyasat ng pulisya noong nakaraang taon, ang pisikal na karahasan ay umabot sa 1,629, kasunod ng 243 na mga sekswal na kaso ng pang-aabuso, 50 ay sikolohikal na kaso ng pang-aabuso at 35 kaso ng pagpapabaya.

Mayroon ding record na 2,095 na mga bata sa ilalim ng 18 na nabiktima sa sekswal at iba pang mga krimen sa pamamagitan ng mga serbisyo sa social network tulad ng Twitter.

Isang 35-taong-gulang na lalaki ang naaresto noong Nobyembre dahil sa umano’y pagkidnap sa isang 6th grader na naninirahan sa lungsod ng Osaka matapos niyang makipag chat sa Twitter.

Nakipagkita siya sa bata at dinala sa kanyang bahay sa Tochigi Prefecture, mga 430 kilometro mula sa Osaka.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund