83 taong gulang na lalaki patay matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa isang bahay

Naniniwala ang mga pulis na ang driver ay maaaring nagkamali ng pag-apak ng preno at sa halip ay accelerator ang naapakan nito. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp83 taong gulang na lalaki patay matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa isang bahay
Marka para sa mga matatandang driver. Image stock

KOBE

Namatay ang isang 83-anyos na lalaki matapos na bumangga ang sasakyan na kanyang minamaneho sa isang bahay sa Kobe nitong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, naganap ang aksidente bandang 9:35 a.m. sa Nada Ward, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng mga saksi na ang kotse ay bigla nalang bumilis ang takbo at bimangga ito sa ilang mga puno ng kalsada at nag-crash sa kongkreto na pader ng isang bahay. Wala namang tao sa bahay noong mga oras na iyon.

Ang driver ay dinala sa ospital kung saan namatay siya makalipas ang isang oras, sinabi ng pulisya.

Naniniwala ang mga pulis na ang driver ay maaaring nagkamali ng pag-apak ng preno at sa halip ay accelerator ang naapakan nito.

© Japan Today

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund