Zozo, ang pinakamalaking online fashion retailer sa Japan ay planong itaas ang sweldo ng mga part timers hanggang 30% upang masolusyunan ang kakulangan sa manggagawa.
Sabi ng opisyal ng kumpanya na itataas ng bayad kada oras mula 9 dollars hanggang 12 dollars para sa part- timers na nagtatrabaho ng sobra sa 4 na araw sa isang linggo.
Magbibigay din ang retailer ng mga bonus na pamantayan ng kaning pag-ganap sa kanilang mga trabaho.
Plano ng kumpanya na kumuha ng dagdag na 2,000 katao para sa warehouse sa Chiba at Ibaraki prefectures malapit sa Tokyo upang matugunan ang dumadaming orders.
Ang mga kumpanya na mayroong problema sa kakulangan sa mangagagawa ay naiisip na kumuha ng mga part timers at full time na mga empleyado.
Ang Universal Studios Japan sa Osaka ay nagtaas din ng bayad sa mga part timers noong Abril.
Ganon din and Fast Retailing, operator ng Uniqlo na isang casual clothing chain, ay magtataas din ng bayad sa mga bagong nagtapos mula Abril sa sususnod na taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation