Turista, nahuling nagpapalipad ng drone sa no-fly zone na Shibuya crossing

Ipinagbabawal sa batas ng Japan ang pagpapalipad ng unmanned aircraft sa isang mataong lugar sa mga urban  areas isa na dito ang sikat na crossing sa Shibuya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Nagbigay ng babala ang Tokyo police sa isang dayuhang turista na nagpalipad ng drone sa busy na crossing sa Shibuya Ward noong Linggo.

Ipinagbabawal sa batas ng Japan ang pagpapalipad ng unmanned aircraft sa isang mataong lugar sa mga urban  areas.

Noong mga oras na iyon, hindi napansin ng mga pedestrian ang drone na lumilipad sa itaas. Wala namang naiulat na mga aksidente o komosyon.

Kinunan ng video ng isang empleyado ng NHK ang drone gamit ang isang smartphone. Sinabi ng empleyado na ang orange na drone ay lumipad ng mataas na altitude ng halos walong palapag ng building, at nanatiling nasa ere sa loob ng hindi bababa sa ilang minuto habang lumipad ito sa ibabaw ng sikat na crossing.

Natunton ng nag-video ang nagpapalipad ng drone na nakatayo sa gilid ng crossing at nagmamanipula ng drone. Nilapitan siya ng pulisya nang matapos siyang magpalipad ng drone.

Sinabi ng pulisya na ang operator ng drone ay isang dayuhang turista. Sinabihan nila ang turista na bawal magpalipad ng drone sa lugar at sinabi naman ng turista na hindi niya alam na ilegal pala magpalipad ng drone doon.

Sinabi ng pulisya na walang kaugnayan ang naturang turista sa kahina-hinalang drone na lumilipad malapit sa Imperial Palace at sa iba pang lugar sa Tokyo na nakita earlier this month.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund