Sa Ikaruga, Nara, ang mga kayamanan mula sa Horyuji Temple na karaniwang naka-tago mula sa paningin ng publiko ang main attraction ngayon sa isang espesyal na exhibit sa nabanggit na lugar at itinatanghal na World Heritage Site.
Ang 2 parte ng palabas ay pinag-sama ang 146 na artifacts, kasama ang Buddhist statues at iba pang historical materials na ipina-mana sa nasabing templo.
Sa mga ito, 59 ang itinalaga ng gobyerno bilang isang importante pag-aari ng kultura.
Ang painting ng Kujaku Myoo (Mahamayuri), ang diwatang pabo na pinaniniwalaang kumakain ng mga makamandag na ahas na itinalagang importanteng pag-aari ng kultura ay ini-labas at ipina-kita sa publiko sa kauna-unahang pagkaka-taon sa loob ng 7 taon.
Samantalang karamihan sa mga diwatang Myoo ay mukhang galit, ang larawang ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng payapang itsura nito.
Ang exhibition ay nagta-tampok rin ng pambihirang display ng 16 na pinintang larawan ng Sixteen Arhats na serye mula sa Muromachi Period (1338-1573).
Ang mga pinintang larawan ay nag-lalarawan sa 16 na Buddhist Saint na na nangakong susunod sa mga turo ng Budhista
Sabi ng steward ng templo na si Shobo Ono, “Sana naramdaman ng mga bumisita ang kasaysayan ng bawat kayamanan na ipina-mana mula Asuka Period (592-710) hanggang sa kasalukuyang panahon.”
Ang Spring edition ng exhibit ay gaganapin hanggang May 31, habang ang Fall/Autumn edition ay gaganapin mula ika-22 ng Septyembre hanggang ika-30 ng Nobyembre.
Ang event na ito ay isinasa-gawa tuwing tag-sibol at tag-lagas taon-taon mula nang masimulan ito nuong Spring ng 2001 bilang pag-alala sa ika-1,380 taong kamatayan ni Shotoku Taishi (Prince Shotoku).
Ang exhibition ay gina-ganap sa Daihozoin (Gallery of Temple Treasures) sa bakuran ng templo. Ang lugar ay bukas mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon. (Ang huling oras ng admission ay 30 minutos bago mag-tapos ang exhibit.) Admission fee ay ¥500 ($4.50) para sa adults at ¥250 naman sa mga mag-aaral sa elementarya.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official website ng Horyuji,
http://www.horyuji.or.jp/en/
Source: The Asahi Shimbun
Image: Shiori Sato
Join the Conversation