Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaki nuong Miyerkules dahil sa pagba-vandal umano niyo sa labas ng gusali ng Ministry of Internal Affairs and Communications sa Chiyoda Ward, ayon sa ulat ng Jiji Press (May 8).
Bandang alas-4:10 ng hapon, ang matandang lalaki na tinatantyang nasa 70 anyos ang edad na naninirahan sa Prepektura ng Osaka, ay nag-saboy na pinaniniwalaang kulay orange na pintura sa naka-paskil na signage na may naka-sulat na Kanji character ng Ministeryo.
Ang lalaki, na inakusahan ng sanhi ng pagka-pinsala ng ari-arian, ay umamin sa mga alegasyong ipinaratang sa kanya. “Hindi ako nasisiyahan sa sistema ng pensyon. ” ani nito sa Kojimachi Police Station.
Matapos ang insidente, ang lalaki ay pumasok sa gusali at pinag-bigay alam sa mga gwardiya na mayroong nag-saboy ng pintura sa labas. Agad naman inaresto na mga rumespondeng pulis ang suspek pag-dating nito sa lugar ng insidente.
Inaalam ngayon mg mga awtoridad ang motibo ng insidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation