Mag-uumpisa na on line ticket sales para sa 2020 Olympics

Ticket para sa Olympics 2020 ay makakabili na via online.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMag-uumpisa na on line ticket sales para sa 2020 Olympics

 

Online ticket sales para sa  2020 Tokyo Olympics ay umpisa na ngayong Huwebes.

Simula alas 10 ng umaga, tatanggap na ng aplikasyon sa pagbili ng mga tickets sa pamamagitan ng loterya sa isang opisyal na website na ginawa ng organizing committee.

Ang aplikante ay kailangang magrehistro “TOKYO 2020 ID” sa opisyal na website upang makabili ng ticket. Ang aplikasyon ay tatanggapin hanggang 11:59 ng gabi sa Mayo 28.

Ang bawat aplikante ay pwedeng mag-aplay hanggang 30 tickets para sa unang pagpipilian, at panibagong 30 para sa ikalawang pagpipilian. Ang isang aplikante ay makakakuha lamang ng kabuoan o total na 30 tickets.

Sa mga susunod na buwan sa taong ito, ang mga ticket ay ibebenta na sa paraang “first come, first served basis” sa site. Sa unang mga buwan naman sa susunod na taon, ang mga natirang tickets ay mabibili sa mga opisyal na outlets na itatayo sa Tokyo.

Ang pagbubukas ng bentahan ay inaasahang makakabenta ng pinakamadaming tickets.

Sa dami ng aplikante na inaasahan na magmamadali sa pag access ng site pagkatapos ng paglathala ng umpisa ng aplikasyon hanggang matapos ay hindi naman maapektuhan ang resulta ng loterya upang ang mga tao ay magkaroon ng tamang oras sa panahon ng bentahan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund