Lalaki dinakip dahil sa natagpuang mga kutsilyo sa paaralan ni Prince Hisahito at umamin sa intensyong pagpatay sa prinsipe.

Ochanomizu Univerisity Junior High School, isang lalaki dinakip sa intensyong pagpatay kay Prince Hisahito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ito ay larawan ng suspek na si Kaoru Hasegawa na kuha nuong ika-29 ng Abril, 2019 habang siya ay inililipat sa Otsuka Police Station ng Metropolitan Police Departmet sa Bunko Ward sa Tokyo. (Tatsuro Tamaki)

Sa Tokyo, isang 56 taong gulang na lalaki ang hinuli ng makitaan ng 2 kutsilyo sa mesa ni Prince Hisahito sa silid aralan, Junior high school noong Abril 26 at ipinahayag nya sa pulis na intensyon niya na saksakin ang prinsipe.

Si Kaoru Hasegawa, suspek ay inaresto noong Abril 29 ng Metropolitan Police Department (MPD) sa suspetsa na pag pasok sa loob ng Ochanomizu Univerisity Junior High School sa Tokyo Bunkyo Ward. Walang impormasyon na nalink kay Hasegawa sa kahit anong grupo at ang MPD ay maingat na iniimbestigahan ang kanyang motibo.

Si Prince Hisahito, 12 taong gulang, ay pangalawang sa Chrysanthemum Throne sa korona ng kanyang ama na si Crown Prince Akishimo, nakababatang kapatid ni Emperor Naruhito.

Ayon sa imbestigasyon, inamin ni Hasegawa na pumasok siya sa Junior High School at sinabi na hindi nya gusto ang sistema ng Imperial sa Japan. Pumirmi sa isang hotel sa Tokyo si Hasegawa ng ilang araw bago ang insidente at bumili ng mga kutsilyo at helmet sa isang home center at iba pang shops.

Pinagpaplanuhan ng paaralan at MPD na palakasin ang seguridad sa paligid ng pasilidad upang maiwasan ang mga kahina hinalang tao na makapasok sa lugar ng paaralan.

Source: The Mainichi

Image: Tatsuro Tamaki

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund