Ang bansang Japan ay maghuhulma ng gold at copper coins para sa komemorasyon ng pagluklok sa trono ni Emperor Naruhito na naganap lamang kamakailan.
Ang gobyerno ay magsasagawa ng 50,000 legal tender, 10,000- yen coins and 5 million 500- yen bago ang seremonyas sa Oktubre 22 “Sokuirei Seiden no gi” para iproklama and paghalili sa trono ng emperor ayon sa Finance Ministry.
Ang 10,000- yen coin gawa sa 20 gramo ng purong ginto, na lalagyan ng phoenix, na sumisimbolo ng Imperial Family at sa kabila naman ay ang selyo ng Imperial Chrysanthemum. Mabibili ito sa halagang 140,555 yen.
Ang Japan Mint ay tatanggap ng reservation para sa gold o gintong coins 3 linggo mula Hulyo 11 kasama ang delivery umpisa sa Oktubre.
Ang commemorative copper coin, na mayroong face value na 500 yen ay makukuha sa mga financial institutions mula Oktubre. Sa kabila nito, ito ay naglalarawang ng special throne ng emperor na kung tawagin ay Takamikura na nakapirmi sa loob ng Imperial Palace habang nagaganap ang ritwal para sa enthronement at sa kabila ay nagpapakita ng selyo ng Imperial Chrysanthemum.
Ibebenta din ng Japan Mint ng 30,000 sets ang 10,000- yen coins ng 142,593 yen. Ito ay may kasama ng case.
Minana ng 59 taong gulang na Emperor ang Chrysanthemum Throne noong May 1, ang araw pagkatapos ng kanyang ama na dating si Emperor Akihito na 85 taong gulang, unang hapon na monarkiya na bumaba sa trono sa loob ng 202 na taon.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation