Sa Konan, Aichi Prefecture, kapag tinignan sa tamang angulo ang Ontake Yakushison ang pinaka-cool na Buddhist statue sa nasabing lugar.
Kapag tinignan ang giant Buddha o “daibutsu” sa isang angulo, ang alarm signal sa isang railroad crossing ng Nagoya Railway Co. na Inuyama Line ay nag-ooverlap sa mga nito, kung-kaya’t ito ay nag-mumukhang naka-suot ng “sunglasses”.
Ang mga lokal ng lugar ay tina-tawag na “Hotei no Daibutsu” o (Daibutsu of the Hotei District) ang konkretong istatwa.
Ngunit matapos makuhaan ng ito ng litrato na mukhang naka-suot ng “shades” ito ay bnansagang “Daibutsu with sunglasses.”
Ang istatwa mismo ay isa nang kahanga-hangang pigura. Ito ay may taas na 18 metro, ito ay mas mataas pa sa Great Buddha ng Todaiji Temple sa Nara.
Ngunit, sa kanyang “rahotsu” istilo ng kulot na buhok, espesyal sa mga istatwa ng mga Buddhista, at mga puno ng Cherry Blossom sa harapan na lumi-likha ng paramg isang makulay na kasuotan, ang istatwa ay na-mumukhang isang beachgoer.
Ang Ontake Yakushison ay ginawa ni Hidenobu Maeda nuong taong 1954, na ipinanganak sa Konan at sumunod sa Ontakekyo, isang sektor ng Shinto na sinamahan ng Buddhism.
Nuong tinanong ang mga residente ng Konan kung nabastos ba sila sa mga ipi-nost ng mga internet users sa mga kakaibang imahe ng kanilang minamahal na istatwa, sinagot ng naka-ngiti ni Masahide 82 anyos, anak ng yumaong si Maeda, na siyang kasalukuyang nangangalaga sa istatwa na “Hindi naman kami apektado.”
Si Tetsuro Maeda, 57 anyos, miyembro ng Hotei Community Association, na nag-popromote ng kaunlaran sa distrito ay nag-sabi na “Narinig ko sa mga ibang tao na ang nangyayari ay nakaka-bastos at walang pag-galang, ngunit mas mainam na maraming tao ang bibisita sa aming Daibutsu. ”
Source: The Asahi Shimbun
Image: Jun Ueda
Join the Conversation