Ang mapang-abuso na pananalita at pananakot ng isang guro ang sinasabing sanhi ng pagpapa-tiwakal ng isang 15 anyos na babaeng mag-aaral sa Junior High School nuong nakaraang linggo sa Takahagi, Ibaraki Prefecture.
Ang batang babae ay nagpa-tiwakal sa kanilang tahanan nuong ika-30 ng Abril.
Nuong Lunes, napag-alaman na ang gurong namamahala sa Table Tennis Club ng paaralan ay naging mapang-abuso sa kanyang pananalita at nag-banta pa umano na “Papatayin” ang bata, mula sa ulat ng Fuji TV.
Ayon sa Lupon ng Edukasyon ng Lungsod ng Takahagi, nuong nakaraang Septyembre, nag-sulat umano ang bata sa isang school questionnaire na “Masaya sa paaralan ngunit boring ang club activities.”
Sa isang sulat na nakita sa tahanan ng bata matapos itong kitilin ang sariling buhay, sinulat nito na siya ay na-frustrate dahil ang lalaking guro nito ay tinatakot siya at ang kanyang mga kasamahan sa team na “Papatayin” o “Susuntukin” sila ng guro. Karagdagan pa rito ay ang pag-tawag ng “Tanga” ng guro sa mga batang babae, sila rin ay tinatapik ng malakas sa balikat at itinatapon sa sahig ang kanilang mga kagamitan.
Ang batang babae ay tumigil sa pag-attend sa kanilang club practice nuong ika-15 ng Marso. Matapos nito ay naka-tanggap ng reklamo sa guro mula sa hindi kilalang indibidwal ang Lupon ng Edukasyon. Inamin naman ng guro ang pag-gamit niya ng mga mapang-abusong pananalita at brutal na pamamaraan ng pag-tuturo. Binalaan ng paaralan ang nasabing guro at nag-atas ng ibang guro upang tignan ang kanyang coaching method.
Source: Japan Today
Image: Kyodo
Join the Conversation