Datapuwa’t ito ay karaniwan na sa ibang bansa na mayroong diskwento sa mga sinehan para sa estudyante at matatandang may pensyon, sa Japan makakakuha lamang ng diskwento sa mga hindi inaasahang bagay.
Isa sa mga ito ay ang mga sinehan na mayroong tinatawag na “ladies’ night” o araw ng kababaihan, kung saan ang mga babaeng kustomer ay ikinatutuwa ang diskwento sa tiket.
Ang isa naman ay ang “couple discount” upang makapagbigay ng isang romantik at abot kayang panonood ng mga pelikula sa mga sinehan.
Isang sinehan ang gumawa ng isang positibong buzz on line na binago ang mga kondisyon sa mga couple discounts. Ang “husband and wife 50 discount” ay ginawa para sa mga mag- asawang kasal na may edad 50 taong gilang pataas.
Ang sinehan na Kawagoe Scalaza Cinema ay mayroong mahabang kasaysayan na tinayo pa noong 1940. Ang gusali mismo ay mas matagal ng nasa lugar na nagbukas pa bilang isang Music Hall noong taong 1905.
Ngunit ipinapakita nito na kaya nila makipagsabayan sa panahon ngayon, kasunod ng matalinong mungkahi na galing sa isa sa mga part timers, na ang “husband and wife 50 discount” ay maaaring reboot upang gawin itong mas inklusibo.
Sa ngayon ang kasunduan ay binago bilang “partner discount” ginamit ang english word “partner” upang ibilang ang kahit na anong gender o kasarian sa kampanya. May maliit na pagbabago sa salita at ginawang mas malinaw para sa mga LGBT na kostumer hangga’t ang isa sa kapareha ay lagpas 50 anyos.
Ito ay malugod na tinanggap ng publiko ng ng i-ipdate ng sinehan ang promo sa kanilang Twitter account. Sa karamihan kahit na matagal na ang sinehan, sila ay sumasabay sa bagong panahon. Ang sinehan ay tinuturing ng iba na “Pioneers” at umaasa na susundan it ng ibang pang mga sinehan .
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation