Emperor Naruhito nakatakdang bumisita sa Aichi ngayong Hunyo

Ang bagong Japanese Emperor na si Emperor Naruhito ay may nakatakdang dalawang-araw na pagbisita sa Aichi Prefecture, Central Japan, sa Hunyo, upang dumalo sa isang taunang seremonya ng tree-planting.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang bagong Japanese Emperor na si Emperor Naruhito ay may nakatakdang dalawang-araw na pagbisita sa Aichi Prefecture, Central Japan, sa Hunyo, upang dumalo sa isang taunang seremonya ng tree-planting.

Ito ang magiging unang opisyal na pagbisita sa labas ng kabisera ng Tokyo mula noong pag-upo niya sa trono noong Mayo 1.

Ang national tree-planting ceremony ay ginaganap mula pa noong 1950 kasama ang Emperor sa dumadalo, sa iba’t ibang lokasyon sa buong bansa, upang makatulong na itaas ang kamalayan ng publiko sa pag-iingat ng kagubatan.

Sinabi ng Imperial Household Agency na si Emperor Naruhito ay aalis sa Tokyo sa pamamagitan ng train sa Hunyo 1. Sa susunod na araw, dadalo siya sa ika-70 na pambansang seremonya na gaganapin sa Aichi Prefecture Forest Park. Siya ay magbibigay ng speech, at pagkatapos ay makikibahagi sa seremonyal ng sapling planting.

Kasunod ng seremonya, ang Emperor ay maglalakbay sa kotse papuntang Okazaki City ng prefecture upang bisitahin ang pasilidad na nagbibigay ng suporta para sa mga taong may kapansanan. Pagkatapos ay lilipad siya pabalik sa Tokyo.

Inaasahan na si Empress Masako ay sasamahan siya sa pagbisita sa Aichi.

Source: NHK News

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund