Ang Keisei Electric Railway Co. ngayong autumn ay magpapakilala ng isang eco-friendly na 3,100-serye na train para sa Narita Sky Access Line nito na nag-uugnay sa Narita Airport sa Chiba Prefecture at Haneda Airport sa Tokyo.
Ang ilang mga upuan ng bagong train ay foldable o naaangat upang ang mga pasahero ay maaaring ilagay ang kanilang mga maleta sa sahig. Ang mga libreng space para sa mga wheelchair at stroller ay mai-install din sa train.
Mayroon din libreng Wi-Fi service, ngunit ang pagkonsumo ng enerhiya ng bagong train ay 15 porsiyento na mas mababa kaysa sa kasalukuyang 3,000-serye na train.
Sinabi ng Keisei Electric Railway na plano nito na ipakilala ang mga train ng walong-kotse na 3,100-serye sa katapusan ng taon.
“Ang bagong train ay ang unang commuting train na may plasmacluster ion generator at iba pang mga features,” sinabi ng isang opisyal ng Keisei Electric Railway. “Ang train ay magiging eco-friendly at komportable.”
Ang Narita Sky Access Line ay magdadala sa mga pasahero na pumunta mula sa Narita Airport patungo sa Haneda Airport sa pamamagitan ng Asakusa at Ginza sa loob ng 90 minuto.
Ang mga larawan ng Naritasan Shinshoji templo, ang Kaminarimon gate ng Asakusa at ang Tokyo Skytree, pati na rin ang Mount Fuji na makikita mula sa bahagi ng Prefecture ng Chiba, ay nakapinta sa bagong train na nagtatampok ng mga linya ng orange.
Habang 26 inbound at outbound trips ang naka-schedule na biyahe tuwing weekdays, 36 na biyahe naman ang naka-schedule tuwing Sabado at Linggo.
Source: Asahi Shimbun
Join the Conversation