Isang 55 anyos na lalaki ang namatay nang sumalpok ito sa isa pang sasakyan habang ito ay hinahabol ng mga pulis nuong sabado ng gabi sa Lungsod ng Yachiyo, Prepektura ng Ibaraki.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-9:30 ng gabi sa Route 125. Sinabi ng pulis na nangyari ang habulan matapos makita ng ilang puma-patrolyang pulis na may isang maliit na sasakyan um-overtake sa isa pang sasakyan sa pamamagitan ng pag-cut nito sa sentrong linya sa kahabaan ng kalsada kung saan ito ay ipinag-babawal, mula sa ulat ng Fuji TV.
Pina-tunog ng mga puma-patrolyang pulis ang kanilang serena ngunit ang maliit na kotse ay pina-andar pa rin ng mabilis. Matapos ang maikli habulan, ang maliit na kotse ay muling tumawid sa gitnang linya ng kalsada nang bigla itong sumalpok sa isa pang sasakyan at biglang nag-liyab.
Ayon sa mga awtoridad, ang driver ng sasakyang hinahabol na si Takashi Yamanaka ay nag-tamo ng malalang pinsala. Siya ay agad na dinala sa pagamutan kung saan siya ay idineklarang wala ng buhay. Samantalang ang 24 anyos na babaeng nag-dadrive ng binanggang sasakyan at ang 2 taong gulang na anak nito na naka-sakay sa likuran ng kotse ay nag-tamo ng pinsala sa dibdib at ulo.
Source: Japan Today
Image: Youtube/ FNN
Join the Conversation