Dalawang bata patay at madaming sugatan nang bumangga ang sasakyan sa isang grupo ng daycare

Isang batang babae at lalaki ang napatay at dalawang iba pang mga bata ang kasalukuyang walang malay at nasa kritikal na kondisyon matapos bumangga ang isang kotse sa isang day care group noong umaga ng Mayo 8, ayon sa mga awtoridad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
The site where a car hit a group of day care children is seen from a Mainichi Shimbun helicopter on the morning of May 8, 2019. (Mainichi/Kenji Konoha)

OTSU – Isang batang babae at lalaki ang napatay at dalawang iba pang mga bata ang kasalukuyang walang malay at nasa kritikal na kondisyon matapos bumangga ang isang kotse sa isang day care group noong umaga ng Mayo 8, ayon sa mga awtoridad.

Naunang nagbanggaan ang isang kei na sasakyan at isang regular na sasakyan na nagsanhi ng pagkawala ng control ng manubela ng kei na sasakyan at bumangga sa grupo ng 13 na bata at tatlong day care staff noong bandang 10:15 ng umaga. Labinlimang tao sa grupo, kabilang ang dalawang day care staff na may edad na 27 at 47, at lahat ng mga bata, ay idinala sa ospital.

Inaresto ng Police Prefectural Shiga ang mga driver ng regular at light vehicles, 52-taong-gulang na si Fumiko Shintate at 62-anyos na si Michiko Shimoyama dahil sa reckless driving causing injury.

Sinabi ng pulisya at iba pang mga source ng Mainichi Shimbun na ang aksidente ay naganap malapit sa isang signaled intersection sa two-lane na prefectural road sa Otsu, kabisera ng western Japan prefecture ng Shiga. Ang mga bata ay nasa 2 at 3 taong gulang mula sa Leimond Oumi Hoikuen day care center, na matatagpuan mga 200 metro mula sa pinangyarihan ng aksidente.

“Kami ay lubos na nagulat at nalulungkot sa nangyaring aksidente na ito,” sabi sa komento na inilabas ng operator ng day care na Social Welfare Corporation Lemon. “Kami ay nanlulumo sa sinapit ng mga bata at sa mga staff.”

(Orihinal na Japanese: Yusuke Konishi, Akiho Narimatsu, at Misaki Morokuma, Otsu Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund