Ayon sa mga awtoridad, 8 katao ang nag-tamo ng pinsala sanhi ng pagkakaroon ng pag-sabog sa isang barbecue party sa isang bahay sa lungsod ng Iwata, Prepektura ng Shizuoka nuong ika-6 ng Mayo.
Ang kalalakihan at kababaihan na nag-eedad mula 20 anyos hanggang 80 anyos na napinsala mula sa pag-sabog ay agad na isinakay sa ambulansya at dinala sa pagamutan, ngunit ayon sa ulat ang kanilang mga natamong pinsala ay hindi delikado.
Ayon sa Iwata Police Station ng Shizuoka Prefectural Police at lokal na Bumbero, 9 na katao ang nagsa-gawa ng party sa bakuran ng 82 anyos na lalaki nuong araw na iyon. Ang pag-sabog ay naganap bandang alas-2:10 ng hapon nang ang 81 anyos na asawa ng may-ari ay gumamit ng lutuan na mayroong gaas mula sa 10kg na tanke sa malapit na bodega.
Ang 8 biktima ay nag-tamo ng sugat mula sa lumipad na basag na salamin mula bintana na bodega at sunog sa ilang parte ng katawan.
Ini-imbestigahan ngayon ng mga pulis at bumbero ang sanhi ng pag-sabog.
Source: The Mainichi
Image: Shutter Stock
Join the Conversation