Mataas na bilang ng turista at mga byahero ay halos galing sa Narita Airport nitong nag-daang 10 araw na bakasyon na nag-simula nitong katapusan ng Abril.
Ayon sa opisyales ng Tokyo Regional Immigration Bureau, mahigit 1.09 milyong katao ang gumamit nh nasabing paliparan upang bumyahe ng internasyonal sa pagitan ng ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo. Tumaas ito ng mahigit 13.9% kumpara nuong nakaraang taon sa parehong period.
Ayon pa sa mga opisyal, ang bilang ng mga banyaga ay bumaba ng 6.5%, samantalang tumaas naman ang bilang ng mga hapong byahero ng mahigit 36.7
Sobrang daming paalis na byahero nuong ika-28 ng Abril at tumaas din ang bilang ng mga dumating nuong ika-5 ng Mayo. Sinabi ng mga opisyal ng bureau na ang total ng umalis at dumating sa bansa ay lumagpas ng 60,000 sa parehong araw, na nag-marka sa kanila bilang pinaka-okupado mula ng binuksan ang paliparan nuong taong 1978.
Ang mga pinaka-papular na destinasyon ay sa Estados Unidos, kabilang ang Hawai at Guam. Ikalawa ang Tsina na sinundan ng South Korea. Papular din and flight sa Europa.
Ang kabuoang bilang ng mga byahero na gumamit ng paliparan ay nadagdagan nuong 10 days holiday ng bansa, na mas mahaba kumpara sa mga holiday nuong nakaraang taon, ani ng mga opisyal.
Sinabi nila na ang extention ng araw ang nag-motivate sa mga tao upang mag-lakbay .
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation