Isang gabi nitong Nobyembre lamang nagkaroon ng problema ang isang restaurant sa Akita City, Akita Prefecture. Isang pangkat ng tinatantyang mga 10 kalalakihan at pawang magkaka-trabaho ay nag inuman at sa halip na magka-sayahan at malasing, sila ay biglang nag talo-talo at nag-rambulan.
Ang pangkat ay nag-simulang mag-diskusyon at ang iba ay biglaang nag-suntukan na nag-resulta sa pagkaka-sira ng mga kagamitan ng nasabing restaurant. Ang karaniwang ginagawa sa mga ganitong sitwasyon ay tumawag ng pulis upang pigilan ang nangyayaring rambulan. Ngunit sa kasong ito, ang mga nag-rarambulan ay ang grupo ng mga pulis.
Ang mga sangkot na kalalakihan sa rambol ay mga pulis na naka-destino sa iisang police box o Koban na karaniwang tawag dito sa Japan. Katulad ng pangalan nito ang isang police box ay isang maliit na tanggapan o mini police station. Isang maliit na desk at maliit na opisina lamang ang nilalaman nito sa loob.
Ang Police Box ay inilagay sa mga lungsod upang masiguradong ang mga residente ay sumunod sa regulasyon at makita nito ang presensya ng awtoridad at upang maka-responde nang mabilis kapag nagkakaroon ng tawag. Kung titignan ang masikip na kapaligiran ng trabahohan, maiisip mo na minsan ang mga pulis na naitatalaga sa iisang koban ay maaaring maasar o mapikon sa bawat isa.
Tila may kumislap na argumento sa ilang kalalakihan sa grupo na nauwi sa suntukan sa loob ng restaurant. Hindi malinaw ang paksa na pinag-mulan ng diskusyon. Kasama rin dito ang hepe ng nasabing police box. Napag-alaman na kabilang sa Akita Prefectural Police, Gojome Precinct ang grupo ng mga pulis na nag-suntukan. Mas pinili ng mga ito na makipag-suntukan sa kapawa pulis kaysa daanin sa mahinahon na usapan ang pina-tatalunang bagay. Huminahon lamang ang lahat matapos mabalian ng tadyang ang isa sa kanilang kasamahan.
Isang staff ng restaurant ang tumawag at ini-report sa main precinct ang pangyayari. Sa kasalukuyan, ito ay nagsasa-gawa ng Internal Affairs Investigation ukol sa nangyaring suntukan at dahil on going pa ang imbestigasyon wala pang napag-dedesisyonan na disciplinary action sa mga pulis na sangkot sa rambol.
Ang katanungan ng marami, kung ang mga kawani ng kapulisan ay hindi maaaring kumain at mag-saya nang hindi maaaring maka-gawa ng krimen tulad ng Drunk and Disorderly Conduct, Assault and Battery at Property Damage, tulad ng kanilang mga superiors dapat mag-alala ang mga ito kung ano at gaano karami sila uminom kapag sila ay off duty o hindi naman kaya kung sila ay umiinom ng non-alcohol drink habang nagpa-patrolya o naka duty.
Source: Japan Today
Image: Soranews24
Join the Conversation