Odaiba Illumination Display

Tignan ang magagandang ilaw na bumabalot sa Odaiba Illumination Display sa Tokyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Odaiba Memorial Tree

Ang Odaiba Illumination Display ay nag-bibigay ilaw sa at karagdagang ganda sa Tokyo Bay at Rainbow Bridge sa gabi. Ang Odaiba Illumination”YAKEI” ay mayroong 40 puno na may ang hanay ay umaabot sa 200 metro at may taas na 20 metro, dagdag pa dito ang outdoor 360 degree projection system.

Kabilang sa nihht view ng Tokyo Bay ay ang Tokyo Tower, Tokyo Sky Tree at Rainbow Bridge. Ang lahat ng ito ay napapalibutan ng 220,000 na ilaw para sa illumination display na nagpapa-ganda sa gabi ng Odaiba ng buong taon.

Illusion Dome

ILLUSION DOME

Sa gitna ng 3F Seaside Deck ay ang pinaka-unang 360 degree projector system sa Asia. Ang projector na ito ay nakaka-detect ng pag-galaw ng isang tao at ang imahe ay ire-reflect sa 360 degree projector at saka makikita sa mga haligi at sahig ng tunnel. Na de-detect din ng mga pader ng tunnel kapag mayroong papalapit na rito. Agad na nag re-react ang pader sa pamamagitan ng pag-iiba ng kulay o pang-gagaya sa mga galaw nito. Isa ito sa pinupuntahan ng karamihan kapag bumisita sa lugar na ito.

Heart-shaped Objet d’ Art

Heart-Shaped na Objet d’ Art

Isa ito sa papular na lugar na magandang magpa-kuha ng litrato, dahil sa angulo nito maaaring makuhaan ang Odaiba Memorial Tree, Night View ng Tokyo at ng Rainbow Bridge. Kaya huwag kakalimutan na magpa-litrato sa lugar na ito kapag nasa Odaiba.

Ang Odaiba Memorial Tree ay may taas na 20 metro at may lapad na 10 metro. Ito ang pinaka-malaking buhay na puno sa Tokyo. Napapa-libutan ng tinatantyang 200 na metro na mga maliliit na puno ang Memorial Tree. At ito naman ay nababalot ng mahigit 220,000 ilaw bilang palamuti.

Source and Images: www.odaiba-decks.com

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund