LOS ANGELES (AP) – Si Stan Lee, ang creative dynamo na nag revolutionized ng comic book at tumulong na makagawa ng bilyun-bilyon para sa Hollywood sa pamamagitan ng paglikha at pagkalulong ng tao sa superheroes ng Marvel tulad ng Spider-Man, Fantastic Four at ang Incredible Hulk, ay namayapa na noong Lunes. Siya ay 95 taong gulang.
Si Lee ay idineklarang patay sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, ayon kay Kirk Schenck, isang abugado ng anak ni Lee, na si J.C. Lee.
Bilang pangunahing manunulat sa Marvel Comics at sumunod ay naging publisher nito, si Lee ay malawak na itinuturing na arkitekto ng kontemporaryong comic book. Naibalik niya ang industriya noong dekada 1960 sa pamamagitan ng paglikha ng mga costume at aksyon na hinahangaan ng mas batang mga mambabasa at sinamahan ang mga storya ng sopistikadong mga plots, college level dialogues, sattire, science fiction, at maging pilosopiya.
Milyun-milyon ang tumugon sa halo halong realidad at pantasiya at marami sa kanyang mga karakter, kabilang na ang Spider-Man, Hulk at X-Men ay naging mga bituin ng mga pelikulang blockbuster. Nanalo siya sa National Medal of Arts noong 2008.
Ayon kay Lee, ang comic-book medium ay isang art form at siya ay lalo pang nagporsige: dumating siya sa punto na gumagawa siya ng bagong comic book araw araw sa loob ng sampung taon. “Sa sobrang dami kong nagawa, hindi ko na alam. Siguro mga nasa ilang daan o libo na ang nagawa ko,” ibinunyag niya sa Associated Press noong 2006.
Sumikat si Lee noong 1960s nang nilikha niya ang Fantastic Four, Hulk, Spider-Man, Iron Man at iba pang super hero.
Si Stanley Martin Lieber ay ipinanganak noong Disyembre 28, 1922, sa New York. Siya ay lumaki na isang tagahanga ng “Hardy Boys” na mga libro sa pakikipagsapalaran at mga pelikula ni Errol Flynn, at nakakuha ng trabaho sa Timely Comics pagkatapos magtapos mula sa mataas na paaralan.
Sa loob ng ilang buwan, huminto ang editor at art director, at naiwan ang 17-taong-gulang na si Lee na magkaroon ng creative control sa kumpanya, na lumaki at pinalitan ng pangalan na Atlas Comics at naging Marvel. Binago ni Lieber ang kanyang pangalan, iniisip na ang Lee ay gagamitin para sa “nakakatawa at maliit na komiks” at ang kanyang tunay na pangalan ay nakalaan para sa mga nobela.
Ang kanyang unang bahagi ng trabaho ay higit na nakalarawan sa mga sikat na pelikula – westerns, drama, krimen at politika. Nagtrabaho siya sa halagang humigit-kumulang 50 sentimo kada pahina.
Ang asawa at kasosyo ni Lee sa halos lahat ng bagay, na si Joan Lee, ay namatay noong Hulyo 6, 2017, Si Lee ay may anak na si Joanie, at isang mas bata na kapatid na nagtrabaho din sa mga komiks, na si Larry Lieber.
Source: The Mainichi
Join the Conversation