Nag sama-sama sa Paris ang mahigit 60 pinuno ng iba’t-ibang bansa upang markahan ang ika-100 taong pagta-tapos ng Unang Digmaang Pandaigdig (WWI).
Ang seremonya nuong linggo ay pinangunahan ng pangulo ng France na si President Emmanuel Macron. Ilan sa dumalo sa nasabing oag-titipon ay sina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Japanese Deputy Prime Minister Taro Aso.
Sinabi ni Pres. Macron sa kanyang speech na ang pagiging Maka-bayan ay ang kabaliktaran ng pagiging Nasyonalismo,sinabi pa nito na pinagkanulo ng pagiging nasyonalismo ang pagiging maka-bayan. Hinikayat niya rin ang kapwa pinuno ng mga bansa na patuliy na gumawa ng pag-asa sa halip na mamuhay sa takot.
Ang armistice ay nilagdaan noong ika-11 ng Nobyembre taong 1918. Pagka-tapos ng 4 na taong pakikipag-laban, na kumitil sa buhay ng mahigit 18 milyong katao.
Nag-simula ang digmaan matapos ipa-patay ang Archduke na si Franz Ferdinand, ang tagapag-mana ng trono ng Austro-Hungarian Empire.
Ini-hambing ng ilang historian ang pag taas ng unilateralismo at pagka-poot sa mga migrante nuong panahon ng interwar years, nang ang pasismo ay naka-kuha ng suporta. Kalaunan ang mga bansa ay tumulak na sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).
Source and Image: NHK World
Join the Conversation