Mahigit 100 na foreign workers ang namatay sa work-related na mga aksidente

Nalaman ng NHK na may 125 na mga foreigners ang namatay sa mga aksidente na may kinalaman sa trabaho sa Japan sa loob ng 10 taong hanggang noong nakaraang taon. Ang bilang ay kumakatawan lamang sa mga namatay na nabigyan ng compensation. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Nalaman ng NHK na may 125 na mga foreigners ang namatay sa mga aksidente na may kinalaman sa trabaho sa Japan sa loob ng 10 taong hanggang noong nakaraang taon. Ang bilang ay kumakatawan lamang sa mga namatay na nabigyan ng compensation.

Ang labor ministry ay nag-compile ng mga istatistika sa kauna-unahang pagkakataon hinggil sa pagkamatay ng mga dayuhan na may kinalaman sa trabaho. Ang mga dayuhang manggagawa, kabilang ang mga tinatawag na mga teknikal na trainees, ay madalas na nakikibahagi sa mga mapanganib na trabaho.

Sinasabi ng ministeryo na may ilang mga kaso kung saan ang mga hadlang sa wika ay humahantong sa isang hindi sapat na pag-unawa sa mga pamamaraan sa trabaho sa mga industrial plants o mga site ng konstruksiyon, na nagreresulta sa kamatayan.

Ang isang abogado na dalubhasa sa isyu ng mga dayuhang manggagawa, si Shoichi Ibusuki, ay nagsabi na ang mga pamilyang naiwan ay madalas na hindi nakatanggap ng kabayaran sa estado o compensation dahil wala silang kaalamang tungkol sa kung paano ito makukuha, o nahihirapan silang mag-file ng aplikasyon dahil sa hadlang sa wikang hapones .

Hinihimok ng abogado ang gobyerno na suriin ang mga nakaraang kaso at mag-isip ng mga hakbang upang maiwasan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga dayuhang manggagawa.

Isinasaalang-alang ngayon ng Japan na palalawakin ang hanay ng mga dayuhang manggagawa upang matugunan ang malubhang mga kakulangan sa manggagawa sa bansa.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund