Sinabi ng ministry of justice ng Japan na ang mga dayuhang manggagawa na hindi nagbabayad ng kanilang mga social insurance premium ay maaaring paalisin sa bansa.
Ang komento ni Takashi Yamashita ay dumating sa panahon ng isang talakayan ng isang panukalang batas upang baguhin ang batas ng imigrasyon sa isang pulong ng komite ng Lower House noong Biyernes.
Ipinaliwanag ni Yamashita na ang kanyang ministeryo ay nagnanais na magtrabaho kasama ang labor at iba pang mga ministries upang isa isahin ang mga kailangang puksain na problema.
Ang bill na isinumite sa Diet ng mas maaga sa buwan na ito ay magpapahintulot sa mga dayuhang manggagawa na may ilang mga kasanayan sa bokasyonal upang makakuha ng mga permit sa trabaho.
Ito ay isang pangunahing pagbabago mula sa tradisyunal na patakaran ng Japan na pangunahing nakatuon sa mga highly skilled professionals.
Sinabi ni Yamashita na ang batas ay magpapahintulot sa mga maliliit at katamtamang mga kumpanya na naghihirap sa matinding mga kakulangan sa manggagawa upang maghire ng mga manggagawa mula sa ibang bansa.
Sinabi rin ng ministro na mahalaga na tiyakin na ang mga sistema ng social insurance ng Japan ay naaangkop sa mga dayuhang manggagawa.
Sinabi ng ministro sa mga reporters na gagawin niya ang lahat upang maitakda ang pangangailangan at kahalagahan ng batas.
Source: NHK World
Join the Conversation