Isang Haponesa ang pinatay at isa pa ang malubhang nasugatan sa Central America sa bansa ng Guatemala.
Sinabi ng Embahada ng Japan na ang mga babae ay inatake sa kanilang tahanan sa hilagang rehiyon ng Peten noong Linggo.
Sinabi ng lokal na media na ang namatay ay 26-anyos na si Yurika Kimoto at siya ay natagpuan na may sugat sa kanyang ulo. Ang isa pang biktima, 28-taong-gulang na si Chie Morosawa, ay ginagamot sa isang ospital.
Ayon sa mga ulat ng media, nagsasabi na posibleng pinasok ang bahay sa layuning nakawan ang mga biktima, pagnanakaw ang nakitang anggulo ng imbestigasyon. Ang pulis ay kasalukuyang pinaghahanap ang mga suspek.
Ang insidente ay naganap sa isang rural na lugar na mga 130 kilometro sa hilaga ng kabisera ng Guatemala City.
Source: NHK World
Join the Conversation