Inaprubahan ng gabinete nuong Martes ang panukalang mag-tala ng isang holiday alin-sunod sa pag-pasa ng trono ng kasalukuyang Emperor sa kanyang anak sa susunod na taon, na siyang lumikha ng 10 araw na Golden Week Holiday na mag-sisimula sa katapusan ng Abril.
Kapag naka-pasa sa DIET ang panukala, ang ika-1 ng Mayo, ang araw na pag-upo ni Crown Prince Naruhito ay magiging holiday.
Sa taong 2019 ang ika-29 ng Abril at mula ika-3 hanggang ika-6 ng Mayo ay in-assign na national at public holiday, naka-saad sa batas ng Japan na kung ang weekday ay napapa-gitnaan ng national holidays, ito ay awtomatikong magiging public holiday. Kung-kaya’t ang ika-30 ng Abril at ika-2 ng Mayo ay magiging public holiday.
Ang pambihirang 10-day vacation period ay mag-sisimula sa ika-27 ng Abril, na tumama sa araw ng Sabado.
Ang panukala ay gagawa pa ng isang holiday sa ika-22 ng Oktubre para sa araw ng Major Enthronement Ceremony.
Ang Crown Prince ay susunod na uupo sa trono isang araw matapos bumaba ang kanyang 84 taong gulang na ama na si Emperor Akihito, ang pag-baba sa pamumuno ay ayon sa sariling kahilingan dahil sa kanyang edad at kasalukuyang lagay ng kanyang kalusugan.
Simula nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), ang bansang Japan ay nag-bigay ng 3 espesyal nabatas na gumawa ng isang off holiday na may kaugnayan sa Imperial Celebrations. Ang huling ginawang holiday ng Japan ay nuong ika-9 ng Hunyo taong 1993, nang mag-isang dibdib ang Crown Prince at Crown Princess.
Source: Japan Today
Image: REUTERS
Join the Conversation