Huli sa CCTV camera ang pamamaril ng riding in tandem sa isang Japanese national sa Manila

Riding in tandem, nakuhaan ng CCTV camera ang aktong pamamaril sa sang Japanese national.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Riding in tandem binaril ang isang hapon sa Manila, Philippines

Na-kuhaan ng isang security camera footage ang pamamaril ng isang lalaki sa isang Japanese national sa Manila nuong nakaraang Linggo, ulant ng TV Asahi.

Bandang hapon nuong November 8, binaril ng isang gunman na naka-angkas sa isang motor ang 67 anyos na si Masato Ogushi, isang Japanese national habang naka-sakay ito sa isang pedicab sa Manila. Ang mga salarin ay naka-helmet kung-kaya’t hindi nakita ang mga mukha nito.

Sa footage, maki-kita na tinabihan ng  gunman na naka-angas sa isang motorsiklo ang pedicap na sinasakyan ng biktima at saka binaril ito sa leeg. Matapos nito ay makikitang mabilis na tumakas ang dalawa na sakay ng motorsiklo.

Ayon sa network, agad naman na isinugod ng pedicab ang kanyang pasahero sa ospital kung saan sinabi na nasa kritikal ang kalagayan nito.

Mayroong isang security camera na nakuhaan ang riding in tandem bago mangyari ang pamamaril, kabilang dito ang kuha na walang pang suot na helmet ang gunman.

Kasalukuyang pinag-hahanap at ini-imbestigahan ng mga awtoridad ang pagkaka-kilanlan ng mga suspek.

Source: Tokyo Reporter

Image: ANN News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund