Hinihinalang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa pagna-nakaw ng 40 milyong yen, pinag-hahanap ngayon ng mga pulis

Hinihinalang sasakyan na ginamit ng mga salarin sa pagna-nakaw ng 40 milyon yen na pera ng isang 78 anyos na lalaki, hinahanap na ng mga pulis.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang 78 anyos na lalaki ninakawan ng mahigit 40 milyon yen sa Sakae, Nagoya nitong buwan lamang.

Ayon sa ulat ng NHK, mula sa isang follow up report tungkol sa 40 milyong yen na ninakaw sa Nagoya nitong buwan lamang, inihayag ng mga pulis na mayroon silang napansin na kahina-hinalang sasakyan sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nuong oras mismo ng insidente.

Bandang alas-2:30 ng hapon nuong November 8, nilapit ng hindi pa nakilalang lalaki sa likuran ang 78 anyos na lalaking biktima sa isang kalsada sa Sakae Area, sabay inagaw sa matanda ang shoulder bag na nag-lalaman ng mahigit 38 milyon yen cash.

Base sa pahayag ng mga awtoridad, bago mangyari ang insidente, ang biktima ay nag-withdraw ng pera mula sa kinitang transaksyon ng isang credit union. Agad naman tumakas ang salarin matapos hablutin ang shoulder bag ng matanda. Wala namang tinamong pinsala ang matanda mula sa insidente.

Ayon sa mga imbestigador, mula sa pag-susuri na ginawa nila sa isa sa mga surveillance camera, nakita rito na may sumusunod na itim na sasakyan na mayroong 3 kilometro ang layo sa matandang biktima habang papasok sa Credit Union.

Ipinakita rin dito ang mga kalalakihang lulan ng sasakyan. Ina-alam ngayon ng mga pulis ang pagkaka-kilanlan ng mga ito at ang posibleng pagkaka-sangkot nito sa krimen.

Ayon pa sa panayam ng mga pulis sa isang witness, nag-sabi ito na naka-all black ang lalaking nang agaw sa bag ng matanda. Ito rin ay naka knit cap at breathing mask.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund