Gobyerno sa Japan, mas pinarami ang suporta sa mga mangga-gawang mayroong disability.

Plano ng gobyerno ng Japan na mas palawakin at paramihin ang suporta sa trabaho ng mga mangga-gawang mayroong kapansanan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga kumpanya sa Japan mas pararamihin ang oportunidad para sa mga mangga-gawang mayroong kapansanan.

Maraming Japanese Firm ang gumagawa ngayon ng hakbang upang suportahan ang mga mangga-gawang mayroong disability. Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa proyekto ng gobyerno na palakasin at palawakin ang oportunidad ng mga taong may disability.

Ang Daiwa Security ay mag bibigay ng 2 pang extrang day off kada buwan upang mabigyan ng pagkaka-taon na maka-punta ang mga ito sa ospital ng pangkaraniwang araw.

Plano rin ng kompanya na maglaan ng pondo na aabot sa 890 dolyares para sa pambili ng wheelchairs, hearing aids at iba pang equipment ng nasabing mga mangga-gawa. Ipakikilala rin nila ang isang software na makakapag-basa ng text ng malakas para sa mga taong mayroong visual impairments.

Ang Yahoo Japan ay nag-aalok din ng flexible sick leave, kabilang ang mga half days. Isang sangay ng Toppan Printing ay pinapayagan ang mga mangga-gawa na may disability na mag-trabaho ng mas kaunting oras kung kailangan nitong magpa-tingin sa doktor.

Ang mga pribadong firm sa Japan ay required ng batas na mag-employ ng mga taong mayroong disability sa kanilang kompanya.

Source: NHK World

Image: NHK News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund