Dinakip ng Tokyo Metropolitan Police ang isang ginang na staff ng isang paaralang elementarya dahil sa hinalang pangungulimbat nito ng mahigit 7 milyong yen sa school lunch fees ng paaralan, mula sa ulat ng TBS News.
Mula taong 2012, hindi hihigit ng 4 na taon na nanilbihan ang ginang na si Sanae Amemiya, ito ang namumuno sa accounting ng paaralan. Ang ginang ay pinag-hihinalaang gumamit ng seal ng punong guro ng walang abiso upang mangulimbat ng mahigit 7 milyong yen mula sa koleksyon ng school lunch fees at iba pang supplies.
Dagdag pa rito, nuong taong 2016 muling ginawa ng ginang ang parehong pamamaraan upang kumuha ng 3.5 milyon yen. Ayon sa mga pulis, aminado naman ang ginang sa mga paratang sa kanya.
“Naii-stress ako sa pamilya ko.”ani ng ginang sa mga pulis. “Ginamit ko sa pachinko at iba pang mga bagay ang perang nakuha ko.”
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation