Centuries old na Christian painting, natagpuan sa Japan

Ang isang relihiyosong painting na pinaniniwalaang gawa ng isang Kristiyanong Hapones mga 400 taon na ang nakakaraan ay natuklasan malapit sa Tokyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang isang relihiyosong painting na pinaniniwalaang gawa ng isang Kristiyanong Hapones mga 400 taon na ang nakakaraan ay natuklasan malapit sa Tokyo.

Ang painting ay natagpuan sa isang museo ng memorial sa Oiso Town sa Kanagawa Prefecture. Ang pasilidad ay kilala sa koleksyon nito ng mga makasaysayang bagay na may kaugnayan sa mga Kristiyanong Hapones.

Ang mga opisyal ng museo ng kasaysayan at mga eksperto ay sinuri sa painting. Sinasabi nila na gawa ito sa chinese ink sa isang scroll na may sukat na 22 sentimetro ang lapad ng 3 metro ang haba at gawa sa Japanese na “washi” paper.

Ang gawa ay naglalarawan ng 15 eksena na may kaugnayan kay Jesu-Cristo at sa Birheng Maria, kabilang ang Annunciation at ang Pentecost.

Ang painting ay nagbigay din ng ilang pagsusulat. Ayon sa pagsursuri, nagpapakita na ito ay mga panalangin sa wikang Latin na sinasalin ng isang tao mula sa isang nagdedectate ng panalangin.

Ang mga salitang “taon ng 1592” ay lumitaw sa dulo ng scroll. Sinasabi ng mga eksperto na malamang na ang pagpipinta ay ginawa sa taong iyon, dahil ang pagsusuri nila sa papel ay nagpapakita na ito ay ginawa sa pagitan ng huling ika-16 at unang bahagi ng ika-17 siglo.

Ang Kristiyanismo ay dumating sa Japan 40 taon bago ang taong iyon. Sinasabi ng mga eksperto na naniniwala sila na ang mga Hapong Kristiyano noong panahong iyon ay nagpakita ng mga relihiyosong Western religion para gamitin sa kanilang mga panalangin.

Sinasabi ng mga eksperto na ito ang unang pagtuklas ng painting ng relihiyon na ginawa sa tradisyunal na estilo ng Hapon.

Ang kinatawan ng direktor ng museum of history  na sumuri sa painting na si Osamu Inoue, ay nagsabi na ang artwork ay itinuturing na isa sa mga pinakalumang pintura na ginawa ng isang Japanese na Kristiyano.

Sinabi rin niya na naniniwala siya na ito ang unang natagpuan na may kasamang mga panalangin. Sinabi niya na ito ay isang makabuluhang pagtuklas na nagsasabi tungkol sa relihiyosong pananampalataya ng mga ordinaryong tao noong panahong iyon.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund