Bagong blood test para sa Colon Cancer Screening, isasa-publiko na ng Shimazu Corp.

Bagong method upang ma-detect ang early stage ng colon cancer, iko-commercialize na ng Shimadzu Corp.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

Ipina-kilala ng precision instrument maker na Shimadzu Corp. ang cell picker device na ginawa upang awtomatikong tanggalin ang hindi kailangang cells sa preparation procedure ng IPS Cells, sa Kyoto nuong ika-19 ng Marso 2018.

Malapit nang i-commercialize ng Shimadzu Corp. ang blood test na idinesenyo upang makita sa early stage ang Colon Cancer, dahil ito ay hindi agad nadidiskubre, malalaman lamang ito kapag sa maging klaro ang sintomas at ito ay nasa advance stage na.

Ipina-kilala ng precision equipment maker ang bagong diagnostic method na trial basis lamang sa isang ospital sa Kyoto nitong Oktubre at planong simulan ang commercial screening service sa taong 2019. Layunin ng kumpanya na ialok sa buong bansa ang produkto sa darating na mga taon.

Isinasa-gawa ang isang Stool Examination upang malaman kung mayroong pag-durugo sa digestive tract. Karaniwan sa bansang Japan ang ganitong klase ng examination upang matukoy kung ang pasyente ay mayroong Colon Cancer. Ngunit hindi accurate o walang kasiguraduhan ang ganitong method.

Ayon sa Shimadzu, ang bagong method upang ma-detect ang Colon Cancer ay mayroong 96% na kasiguraduhan, susuriin at susukatin ang 8 klaseng biomarker sa dugo.

Plano rin ng kumpanya na i-apply ang pinaka-bagong method sa diagnosis ng early stage ng breast cancer at pancreatic cancer sa hinaharap.

Ayon sa National Pancreatic Cancer Center, isa ang colon cancer sa pangunahing sakit na ikinamamatay ng marami.

Marami pang ibang paraan kung paano made-detect sa early stage ang cancer. Ang Hitachi Ltd. ay nag-dedevelope ng isang bagong diagnostic method na gamit ang urine sample.

Source: The Mainichi

Image: Kyodo

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund