Babaguhin ang alituntunin ng Segurong Pang-kalusugan upang maka-iwas sa abusadong pag-gamit ng mga dayuhan.

Babaguhin ang alituntuning saklaw ng Segurong Pangkalusugan dahil sa ilang kasong pang-aabuso ng mga dayuhang mangga-gawa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Maki-kita sa larawang ito ay ang Central Government Building no. 5 sa Chiyoda Ward sa Tokyo, kung saan naruon ang Health, Labor at Welfare Ministry.

Sinabi ng isang source nuong Martes na ang pamahalaan ay naka-takdang baguhin ang sistema ng Segurong Pangkalusugan ng bansang Japan. Hihigpitan ang panuntunan sa mga saklaw nito upang maiwasan ang abusadong pag-gamit ng mga dayuhan.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagha-handa ng gobyerno sa planong pag-tanggap ng mas maraming dayuhang mangga-gawa sa bansa, kung saan ang papulasyon ay patuloy sa pag-edad. Ang pina-planong pagba-bago ay naglalayon sa pag-harang sa pag-gamit ng Segurong Pangkalusuganng mga dayuhan na ni minsan ay hindi pa naninirahan sa bansang Japan, tulad ng magulang o kaanak ng isang dayuhang mangga-gawa.

Ang Insurance ang sumasaklaw sa gastusing medikal ng trabahante at nang mga tao o kaanak nito. Sa kasalukuyan, ang mga kaanak ng isang mangga-gawa tulad ng magulang, lolo, lola at mga anak na sinusuportahan nito ng pinansyal ay hindi kailangang nakatira sa bansang Japan upang sila ay masaklaw ng insurance nito.

Ilang kaso na ang naitatala kung saan nagoapa-reimbursed ang isang non-resident na kaanak ng isang trabahante sa Japanese Insurance System sa kanilang medical expenses mula sa ibang bansa.

Ani pa nila, pagka-tapos ng revision, kailangan na naninirahan sa bansang Japan ang kaanak na nais ipasok sa insurance ng isang mangga-gawa.

Plano ng gobyerno na isumite ang panukala sa DIET sa susuno na taon upang mabago ang batas ukol sa Segurong Pangkalusugan.

Upang maka-kuha ng mga blue-collar na dayuhang mangga-gawa, nuong nakaraang linggo ang gobyerno ay nag-sumite ng panukala na mabago ang Immigration Law upang maisulong ang bagong layunin ng binagong Immigration Program sa Abril.

Ngunit maaaring hindi pa mabago ang alituntunin ng Segurong Pangkalusugan sa panahong ito, banggit ng sources.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund