Ang isang domestic flight group ng Japan Airlines ay naantala noong Miyerkules pagkatapos na ang piloto nito ay pina-test at napatunayan na lumampas sa limitasyon para sa alcohol breathalyzer test.
Ang Japan Air Commuter flight mula sa isang paliparan sa Kagoshima Prefecture, timog-kanluran ng Japan, sa Yakushima Island, ay naka-schedule na umalis ng 8:50 ng umaga. Ngunit ito ay umalis sa paliparan ng isang oras na late keysa sa nakatakdang oras ng flight, pagkatapos na ang piloto ay kailangang mapalitan.
Ang orihinal na pilot ng flight, na may edad na 40, ay natuklasan na nagkaroon ng antas ng alkohol na 0.2 milligrams kada litro sa hininga gamit ang breathalyzer isang oras bago ang flight. Ito ay doble keysa sa limitasyon ng kumpanya.
Ang piloto ay umamin na uminom ng alak noong nakaraang araw, ngunit idiniin niya na hindi na siya uminom sa loob ng 12 oras ng kanyang flight – na mahigpit na ipinagbabawal ng airline.
Humihingi ng paumanhin ang Japan Air Commuter sa bagay na ito.
Ang problema ay naganap sa isang panahon kung saan ang JAL ay nasa ilalim ng pangangaral ng ministeryo sa transportasyon sa isang katulad na kaso. Isang JAL co-pilot ang naaresto noong nakaraang buwan sa London dahil sa paglampas ng limitasyon ng alak bago ang isang flight na Tokyo-bound.
Source: NHK World
Join the Conversation