Ang gwapong “gorilla” ang pinakasikat ngayon sa Japan zoo

Ang mga Gorilla ay naging pinaka-popular na hayop sa unang pagkakataon sa 46 na taon sa isang pangunahing Japanese zoo. Ito ay dahil sa isang poging Gorilla, salamat sa apeal ni Shabani, isang western gorilla na kilala para sa kanyang magandang hitsura.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Nagoya zoo

NAGOYA (Kyodo) – Ang mga Gorilla ay naging pinaka-popular na hayop sa unang pagkakataon sa 46 na taon sa isang pangunahing Japanese zoo. Ito ay dahil sa isang poging Gorilla, salamat sa apeal ni Shabani, isang western gorilla na kilala para sa kanyang magandang hitsura.

Amg mga Gorillas ay nakakuha ng pinakamataas na pagboto sa mga bisita sa Higashiyama Zoo at Botanical Gardens sa Nagoya ng gitnang Japan, na sinundan ng koala sa pangalawa at elepante na pangatlo.

Ang ilang mga 19,316 na mga balota ay hinulog ng mga bisita mula sa Oktubre 6 – Nobyembre 4 sa ikalawang-pinaka-abalang zoo ng Japan.

Ang pagiging popular ng 22-anyos na “guwapong” gorilya ay nagsimula noong pagbubukas ng isang bagong pasilidad noong Hunyo para kay Shabani at ang kanyang pamilya pati na rin para sa chimpanzee at hinihikayat ang maraming bisita na bumoto para sa gorillas, ayon sa mga zoo keeper.

Si Shabani, na. dumating sa Japanese zoo mula sa Australia noong 2007, ay naging celebrity ng lugar dahil noong 2015, maraming mga tao ang nagsimulang magpost ng kanyang mga larawan sa pamamagitan ng social media. At naging sikat sa kanyang mala-model na pose at gwapong mga expression na ikinatuwa ng mga lahat.

Si Shabani ay na-feature bilang isang  star sa isang worker recruitment video para sa Nagoya city office.

Source: Mainichi.jp

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund