Isang wooden house ang nasunog sa Kashiwa City sa Chiba Prefecture. Ang apoy mula sa nasusunog na bahay ay umabot na sa kalapit nitong gubat, sa kasalukuyan tinutupok pa rin ng mga bumbero ang apoy nito.
Sa Kashiwa City, Kaneyama residential area, naka-tanggap ng tawag ang 119 mula sa isang residente ng nasabing lugar na nag-sabing, “May nakikita akong usok”. Ayon sa mga kapulisan at departamento ng bumbero, ang dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy at ang katabi nitong tindahan ay nasunog at ang apoy nito ay kumalat na hanggang sa katabi nitong gubat. Pinaniniwalaang sinunog ang bahay. 13 firefighter unit ang rumesponde dito at mayroon din na 2 pumping vehicle upang matupok ang apoy mula sa nasusunog na mga gusali. Kinumpirma naman na ligtas at walang tinamong pinsala ang 68 anyos na lalaki at ang 58 anyos na may-bahay nito. Wala namang nai-talang iba pang kaswalidad sa naturang insidente.
Kasalukuyang ini-imbestigahan ng mga awtoridad at mga bumbero ang sanhi at buong detalye ng pagka-sunog ng kabahayan at gusali.
Source: News TV Asahi
Image: ANN
Join the Conversation