60,000 na foreign workers, inaasahan para sa nursing care

Inaasahan ng gobyerno ng Japan na kumuha ng  345,000 na mga dayuhang manggagawa hanggang sa taong 2023 upang ma-solusyunan ang kakulangan sa manggagawa ng bansa

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Inaasahan ng gobyerno ng Japan na kumuha ng  345,000 na mga dayuhang manggagawa hanggang sa taong 2023 upang ma-solusyunan ang kakulangan sa manggagawa ng bansa.

Ipinakita ng gobyerno ang pigura sa Diet noong Miyerkules matapos itanong ng oposisyon kung gaano karaming mga bagong dayuhang manggagawa ang aasahan kung ang binagong batas ng imigrasyon ay magkakabisa sa susunod na Abril.

Ang gobyerno ay nagsabi na ang Japan ay nangangailangan ng mahigit sa 586,000 na manggagawa. Aabot sa 33,000 hanggang 48,000 na dayuhan ang inaasahan na pumasok sa bansa upang magtrabaho kada taon na nagsisimula sa Abril 2019.

7,300 ang dapat magtrabaho sa agrikultura, 7,000 naman bilang mga tagapaglilinis ng gusali at 6,800 sa produksyon ng pagkain at inumin.
Ang kakulangan ng manggagawa ay malamang na tataas hanggang 1.45 milyon sa simula Abril 2023.

Ang mga 263,000 hanggang 345,000 na manggagawang dayuhan ay inaasahang darating sa Japan sa panahong iyon, na may 60,000 na magtatrabaho sa nursing at caregiver, 53,000 sa mga restaurant at 40,000 sa konstruksiyon.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund