Ang mga awtoridad sa Prepektura ng Kagoshima, sa timog-kanluran ng Japan, ay sinisiyasat ang home for the aged na kung saan ang 6 na matatanda na nangungupahan doon ay namatay mula noong nakaraang buwan.
Noong nakaraang linggo, sinuri ng mga awtoridad ang pasilidad sa Kanoya city para sa posibleng mga problema sa pamamahala na may kaugnayan sa pagkamatay.
Walong miyembro ng nursing staff ang huminto sa pasilidad noong Agosto at Setyembre ng taong ito.
Ang pinuno ng pasilidad at isang doktor ng parent company ng pasilidad ay nagpaliwanag sa isang news conference noong Miyerkules na ang 6 na namatay ay mga kababaihan na may edad na 85 hanggang 97.
Sinabi nila na ang kanilang mga sanhi ng kamatayan ay liver failure at mga problema sa paglunok.
Ang mga caregiver na umalis tagapangalaga ay naiulat na hindi nasisiyahan sa kanilang suweldo at mga kondisyon sa pagtatrabaho. Ang pinuno ng pasilidad at mga naghahandog ng mga part-timer ang kasalukyang nagtatrabaho sa kanilang iniwang pwesto.
Sinabi ng mga opisyal ng pasilidad na hindi sila nakapagbigay ng sapat na pangangalaga, ngunit idiniin nila na walang mga naging medical problemd ahil may isang doktor at nurse na palaging naka-station doon.
Source: NHK World
Join the Conversation