Nahulog at namatay ang 4 na taong gulang na batang lalaki, matapos mahulog mula sa ika-7 palapag ng gusaling tinitirahan nito.
Ayon sa ulat ng Fuji TV, ayon sa mga pulis ang insidente ay naganap bandang alas-5:30 ng hapon nuong Miyerkules sa isang apartment building sa Koto Ward. Isang bystander ang tumawag sa 110 bandang alas-5:40 ng hapon at ini-report na mayroong batang nahulog mula sa gusali at naka-handusay sa bakuran.
Ang bata ay agad na isinugod sa hospital, kung saan ito ay idiniklarang patay na.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, ang bata ay naka-labas mula sa loob ng kanilang tahanan at nahulog mula sa corridor. May taas na 1 metro ang railings dito ngunit may nakitang stand na may taas na 15 cm sa lugar o pwesto kung saan nahulog ang bata. Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang nakitang stand ay inilabas ng bata mula sa kanilang apartment, ito ay tinuntungan ng bata at aksidenteng naging sanhi ng kanyang pagka-hulog.
Ayon sa mga magulang ng bata, ang 4 na taong gulang na bata ay mag-isa lamang sa apartment nang mangyari ang aksidente.
Source: Japan Today
Image: FNN.jp
Join the Conversation