Pilipinong suspect umamin sa pagpatay sa babaeng estudyante noong 2004 sa Japan

Sa unang hearing sa korte, inamin ng suspect ang isinagawang krimen laban sa 21-anyos na babae, na noong ay isang second year student sa Ibaraki University.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

MITO, Japan (Kyodo) – Isang 36-anyos na Pilipino na naaresto noong nakaraang taon ay umamin noong Martes sa pag-rape at pagpatay sa isang babaeng university student sa silangang Japan noong Enero 2004.

Image: The Mainichi

Sa kanyang unang hearing sa korte, inamin ni Lampano Jerico Mori ang isinagawang krimen laban sa 21-anyos na babae, na noong ay isang second year student sa Ibaraki University, ngunit ang defence team ay nagpahayag ng intensyon sa pagtanggi ng bahagi ng kanyang mga charges tulad ng bilang ng mga saksak ng kutsilyo na ginawa niya.

Ayon sa demanda, si Mori ay nakipagsabwatan sa dalawang juveniles at isinakay ang babae sa isang kotse sa isang kalye na malapit sa bayan ng Ami, Ibaraki Prefecture, pagkatapos ay ginahasa at sinakal nila ang biktima bandang madaling araw ng Jan. 31, 2004, pagkatapos ay pinatay nila ang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak ng maraming beses gamit ang kutsilyo sa isang sapa sa kalapit na nayon ng Miho.

Noong nakaraang Setyembre, hinuli ng pulis si Mori, na noon ay nagtatrabaho sa isang pabrika sa Gifu Prefecture sa central Japan at inilagay sa international wanted list ang kanyang dalawang Pilipinong kasabwat, na ngayon ay nasa edad na 34 at 32 ngunit nasa menor de edad sa ilalim ng batas ng bansang Japan sa panahon ng pagpatay.

Ngunit maliit ang chance ng pulisya na makapagtayo ng isang kaso laban sa dalawang Pilipino dahil pareho silang umalis sa Japan pagkatapos ng pagpatay.

Sa hearing ng Mito District Court, sinabi ng prosecutors na ang DNA sample na tumugma sa akusado ay natagpuan sa kamay ng babae.

Sinabi rin ng mga prosecutors na nag-confess si Mori sa ginawang krimen sa ina ng isa sa kanyang mga kasabwat noong Marso 2007.

Ayon sa depensa ng council ni Mori, ang suspect ay isang “binata” din noong mga oras na iyon at ang kanyang aksyon ay nag-escalate dahil na din sa impluwensya ng kanyang mga kasabwat.

Sinabi din ng council ni Mori, na noon ay nagtatrabaho sa isang electronic parts factory sa Miho, ay pinagsisisihan ang kanyang maling ginawa at gustong pagbayaran ang ginawang krimen.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund